Sa kabilang linya, napahawak ng mahigpit si Elliot sakanyang phone.
Pagkalipas ng kalahating oras, dumating siya sa ospital.
“Mr. Foster, sorry. HIndi na po namin kayang iligtas ang anak ninyo.” Malungkot na balita ng doktor. “Hinimatay po si Miss Sanford sa sobrang lungkot.”
Hindi maawat kakaiyak si Rosalie na nakatayo sa isang gilid. Hindi siya makapag salita.
Si Richard naman na tatay ni Zoe, ay nakatayo rin sa isang gilid at may hawak na itim na plastic. Sobrang putla nito at ang laman