Paglabas ni Avery ng kwarto niya, sabay-sabay na nagtinginan sakanya ang lahat pero wala ni isa ang nagsalita.
“Sobra ba yung nagawa ko kanina?” Naglakad si Avery papunta sa sala at umupo sa sofa. “Hindi ko dapat yun sinabi kay Shea.”
“Wala kang kasalanan! Yung g*g*ng Elliot na yun ang sumugod dito. Alam kong gusto mong magpaliwanag pero anong ginawa niya? Pinatigil ka niya diba? Sa tingin ko nga masyado ka pang mabait eh! Kung ako yun, baka hindi lang si Shea ang nasabihan kong baliw! Baka si