Padabog na binalibag ni Avery ang pintuan niya at naglock sa loob ng kwarto.
Agad namang dinala ni Mike si Shea pabalik kay Elliot.
“Hoy! Foster!” Gusto sanang ipagtanggol ni Mike si Avery.
Pero tinignan siya ni Elliot ng may mga nanlilisik na mga mata. “Tumahimik ka.”
Napalunok nalang si Mike. Hinawakan ni Elliot si Shea at lumabas na ang mga ito ng mansyon.
Nang maramdaman ni Elliot na umaabon, pinatong niya ang jacket na suot niya sa ulo ni Shea.
Pagkasakay nila sa sasakyan, nakatin