Walang napansing kakaiba si Rachelle sa reaksyon ni Prinsipe Auten, at nagtanong siya nang may bigla siyang naalala. “Oh, oo! Anong nangyari, Senior Brother? Sinong nanakit sa’yo?”
Seryoso ang mga mat ani Rachelle nang magtanong siya. Paniguradong mayroong katakot-takot na lakas ang taong makakapilit sa kaniyang Senior Brother na gamitin ang Royal Fire Reborn.
Katunayan, sandaling pumasok sa isip niya si Darryl pero pinigilan niya ang sariling magtanong.
Nang sandaling iyon, tumitig kay Prinsipe Auten ang mga tao sa paligid, naghintay silang sabihin nito ang pangalan ng salarin habang nakaramdam ng galit ang mga ito.
‘Kung sino man iyon, pagbabayaran niya ng malaki ang ginawa niyang pananakit sa Sect Master.’
Nagulat si Prinsipe Auten sa kinaharap niyang sitwasyon at walang pakialam itong kumuway. “Ito… Bigla nalang nangyari ang lahat. Inatake ang ng lalake mula sa likod at hindi ako nakalaban sa oras. Wala akong ideya kung anong nangyari pagtapos kong maging lubhang sugatan.”
Mu