’Ang anak ng Nine Heavens Emperoe?’
Kaagad na kinilabutan ang kaluluwa ni Adam, umusbong ang desperasyon mula sa kaibuturan ng kaniyang puso. “Ako… Hindi ako maaaring mamatay nang ganito. Hindi—”
Bago pa matapos sa pagsasalita si Adam, tuluyan nang nalamon ni Prinsipe Auten ang kaniyang kaluluwa.
Di nagtagal, mabilis na pumasok si Prinsipe Auten sa katawan ni Adam at hinalo rito ang kaniyang divine soul, ginamit niya ang kaniyang divine power para pa pakalmahin ang kaniyang katawan.
Sandaling kumalat ang agod ng purong lakas sa palibot ng katawan ni Adam sa photosphere. Lubos na biniyayaan sa kakayahan si Adam. Pumasok si Prinsipe Auten sa katawan ni Adam, ginamit niya ang kaniyang divine power para pawiin ang pagod sa meridian.
Hindi lamang tuluyang gumaling ang mga natamo niyang sugat, lubos ding tumaas ang kaniyang lakas.
Sa loob ng ilang minuto, tuluyang humalo si Prinsipe Auten sa katawan ni Adam.
Nang sandaling iyon, itinaas ni Prinsipe Auten ang kaniyang kamay para alisin