’Kung mayroong nangyaring ganoon sa kaniya noon, hahanapin nila ang kayamanan ano mang mangyari sa kahit anong paraan, pero hindi na siya interesado ngayon. Paano nagbago ang kaniyang pagkatao pagtapos mangyari sa kaniya ang Royal Fire Reborn?’
Bahagyang natawa sa babae si Prinsipe Auten nang mapaisip si Rachelle.
“Anong mali? Anong iniisip mo? Bakit hindi ka pa handang umalis?”
Nilikom ni Rachelle ang kaniyang isipan at may paghuning sumagot sa lalake. Tumingin siya kay Prinsipe Auten habang natatawa at naisip niyang tila may mali. Naisip niyang ibang-iba ang Senior Brother na nasa kaniyang harapan, kung paano ito kumilos o humawak sa mga bagay.
‘Parang… naging ibang tao siya. Anong nangyari? Kalimutan na nga. Hahanap ako ng tiyempo para makausap siya sa paglalakbay.’
Makalipas ang ilang minuto, inalis ng mga tao ang mga tent at nagtungo sa Altar ng True Flame Sect.
Habang nasa daan, patuloy sa paghahanap ng oportunidad si Rachelle para makausap si Prinsipe Auten. Subalit nakatu