Lubusang nasabik ang lahat kabilang na si Adam at ang elites ng komunidad dahil sa sinabi ni Lindsey.
Mabilis na nagtanong si Adam. “Nasaan ang mga ito?”
Kalmado siyang nagsalita, pero mayroong desperasyon sa kaniyang mga mata.
Nagtaas ng daliri si Lindsey at tinuro niya ang estatwang nasa likod ng punong hall. “Noong dinala ako rito ng aking ama, ginamit niya ang kaniyang internal na enerhiya at bunuo ang Spirit of the Heavenly Secret, ipinasok niya rito ang mga misteryo at arts ng Heavenly Secret Palace. Pagtapos ay ikinulong niya ang mga iyon sa estatwang iyan…”
Kaagad na sumugod sa estatwang iyon ang elites. Hinintay lamang nialng sabihin ni Lindsey kung nasaan ang lokasyon ng kayamanan kaya sila nanatiling tahimik.
Sinong parang timang ang tatayo roon kapag nalaman nilang nasa estatwa ang kayamanan?
‘Ito…’
Naguluhan si Lindsey habang nakatingin siya sitwasyon.
Sa parehong sandali, nagalit si Adam. Sumigaw siya. “Anong ginagawa ninyo? Tigil!”
‘Pinaghirapan kong paaminin an