’Heh…’
Ngumiti si Adam at nagsalita nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Lindsey. “Gaya ng sabi ko, kaibigan ko ang papa mo. Siyempre alam ko ang tungkol doon.”
Naging emosyonal ito sa loob loob.
‘Haha… Napaka pilyang babae. Mukhang tama ako. Hindi pa rin niya alam na ilang libong taon na ang lumipas.’
“Magaling.”
Tuluyan ring ibinaba ni Lindsey ang kaniyang depensa habang tahimik itong nasabik. Tumingin siya kay Adam at nagtanong. “Alam mo ba kung nasaan ang aking ama?”
Maayos ang ibig sabihin ni Lindsey, at hindi niya alam na nahulog na siya sa patibong ni Adam.
Mukhang desperado si Lindsey, hindi siya sinagot kaagad ni Adam. Sa halip, bahagya itong nagbuntong-hininga, sandaling nag-isip at nagsalita. “Wala akong ideya kung nasaan ang ama mo, pero nakilala ko siya bago maubos ang Heavenly Secret Palace, sinabi niya sa’kin na dalhin kita sa lugar na nasa kaniayng isip.”
Nagsimulang magsalita ng walang kabuluhan si Adam para makuha ang tiwala ni Lindsey. Mas lalong nakum