”Spirit of the Heavenly Sectret?”
“Ito ang Spirit of the Heavenly Secret na iniwan ng Palace Master ng Heavenly Secret Palace. Naglalaman ito ng lahat ng misteryosong pamamaraan sa pag-cultivate ng Heavenly Secret Palace…”
“Kayamanan. Iyon ay mga kayamanan…”
Sobrang nasabik ang lahat habang nakatingin sa butil.
‘Spirit of the Heavenly Secret?’
Sa parehong sandali, naintigra si Darryl.
‘Mukhang pareho ang hitsura ng butil sa Spiritual Pearl mula sa sinaunang libingan ni Lu Bu.’
Malinaw na naaalala ni Darryl ang tungkol doon nang pumasok siya sa sinaunang libingan ni Lu Bu, mayroon din itong katulad na butil sa kabaong ni Lu Bu.
Noon ay tinawag itong Spiritual Pearl ni Zhu Bajie. Namuo ito pagtapos ng pagkamatay ni Lu Bu at naglalaman ito ng ultimate technique na ginamit ng lalake noong buhay pa ito, tinawag iyong Blood Battle Eight Directions.
Naglalaman din ng ultimate technique ng Heavenly Secret Palace ang Spirit of the Heavenly Secret. Mapapasok ang internal enerhiya ng sin