Whoa!
Nagulat nang husto ang mga sundalo ng Sea Dragon nang makita nila iyon.
“Ito ba… ito ba ang kilalang Fire God ng isang libong taon na si Senior Zhurong?”
“Bakit siya nagpunta rito para tulungan ang Elysium Gate?”
“Buwisit. Mukhang hindi siya magagawang labanan nang harapan ni Archfiend.”
Nagpanic din dito maging si Forsythe. Wala na siyang ibang gusto kundi umabante para pigilan si Zhurong pero nahaharangan ang kaniyang daan ni Divine Farmer kaya hindi niya magawang lumapit dito.
Ho ho…
Nang makita niyang lumipad si Zhurong, ngumisi si Antigonus habang kasalukuyang nakakulong sa formation. Parang wala itong pakialam sa sasaluhin niyang pagatake.
Para sa iba, si Zhurong ay isang taong nabubuhay na ng isang libogn taon kaya hindi na maiimagine ng kahit na sino ang paraan nito sa pagkontrol ng apoy, pero para kay Antigonus, isa lang siyang laruan.
Sa kabilang banda, nabalot naman ng pagkasabik ang mga disipulo ng Elysium Gate.
At nang susugod na si Zhurong sa formation par