Tumawa naman nang malakas si Zhurong nang makita niya ang takot sa mukha ni Forsythe at ng mga disipulo ng Sea Dragon Palace.
“Haha! Iniisip niyo ba na magagawa ninyong mga walang kuwenta kayo na atakihin ang Elysium Gate? Dumating ako para tulungan sila kaya tingnan natin kung sino sa inyo ang magkakaroon ng lakas ng loob para harapin ako ngayon! Bibigyan ko na kayo ng pagkakataon ngayon. Umalis na kayo kung ayaw ninyong mamatay sa lugar na ito ngayong araw.
Naging malakas at malinaw ang kaniyang boses na nagecho sa kalangitan.
Whew…
Nagpalitan ng tingin ang mga sundalo ng Sea Dragon Palace habang nararamdaman nila ang panghihina ng kanilang mga loob.
Namutla naman ang mukha ni Forsythe nang mapasok siya sa isang dilemma pero agad pa rin siyang nakarecover habang galit na sumisigaw kay Zhurong.
“Huwag kayong magpanic. Malapit na nating makuha ang tagumpay sa labang ito. Kahit na tulungan pa sila ni Zhurong, babagsak at babagsak pa rin ang Elysium Gate ngayong araw. At isa lang