Ho ho…
Nabalot ng pagkaarogante ang mukha ni Antigonus habang nanlalamig nitong sinasabi na, “Huwag ka nang magpumiglas pa. Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo.”
Huminga naman nang malalim si Chester. Dito na siya hindi nagdalawang isip na tumawag kina Jewel, Zhu Bajie at Yvonne, “Kuya Zhu, Jewel! Gawin na natin ang formation nang magkakasama.”
Dito na sumagot ang mga ito habang muling lumilipad sa ere para paligiran si Antigonus kagaya ng ginawa nila kanina.
Isang formation?
Napasimangot na lang si Antigonus nang muli siyang mapaligiran ng tatlo.
Malinaw niyang nakita na nakaposisyon ang apat sa apat na mga poles kaya malinaw na may pinaplano ang mga itong hindi maganda sa kaniya.
Walang duda na pinaplano nga ng apat na buohin ang Heaven and Earth Trinity Formation na kanilang natutunan kagabi.
“Gusto ninyo akong pigilan gamit ang isang pipitsuging formation?”
Nahimasan si Antigonus pagkatapos ng isang segundo. Dito na niya hinawakan nang maigi ang kaniyang Blood Fiend Swor