Dito na lumipad sina Jewel, Yvonne kasama ni Divine Farmer at iba pa nilang mga kasama sa main hall para sumali sa laban.
“Hoho…”
Napuno ng pagmamalaki ang mukha ni Antigonus nang makita niya ito. Dito na siya nanlalamig na dumura habang sinasabi na, “Wala kayong pinagkaiba sa mga langgam sa aking paningin. Binigyan ko kayong mga tagaElysium Gate ng pagkakataong umatras pero nanaig parin ang kawalan ng utak ni Darryl para gawin ito. Kung ganoon ay wala na akong magagawa kundi dalhin kayong lahat sa impyerno.”
Habang naririnig niya ang mga salitang iyon sa ere, naglabas ang Blood Fiend Sword ng isang nakakatakot at puno ng puwersang liwanag na lumipad papunta kay Zhu Bajie.
Buwisit!
Bumagsak dito ang mukha ni Zhu Bajie, malayo na ang kaniyang itsura sa walang pakialam na si Zhu Bajie kanina habang itinataas ang kaniyang kalaykay para salagin ang pagatakeng papunta sa kaniya. Sa loog ng isang iglap, ang tanging nakita ng lahat ay ang pagtama ng Blood Fiend Sword sa kalaykay ni Zhu B