Nang biglang itulak ni Oliver ang kaniyang sarili paabante gamit ang kaniyang wheelchair habang sinasabi na. “Archfiend Antigonus! Sigurado akong hindi si Ama ang nagbigay sa kanila ng impormasyon. Nasisiguro ko po ito sa inyo…”
Hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili. Kahit na si Oliver mismo ang umatake kay Black Tortoise King bago pagbantaan ang mga kalahi niya para yumuko sa lahi ng mga fiend, sa totoo lang ay nirerespeto pa rin ni Oliver si Black Tortoise King. Sabagay, ama niya pa rin s