Agad na ngumisi si Oliver habang nagsasalita, “Nagpunta ako rito nang mas maaga ng isang araw kaysa sa iyo kaya agad kong nalaman na bihira lang gumamit ng papel at panulat ang mga fiend sa kampo.”
Dito na biglang naglakad ang isa sa mga heneral ng fiend bago sabihing, “Oo nga. Naalala ko na ngayon. Walang kahit na sino ang gumagamit ng papel at panulat sa kampo maliban an lang kagabi. Kumuha ng ilan nito si Darryl.”
“Buwisit! Inakala ko na naitago ko na ang ebidensya. Hindi ko inakalang makikita pa rin nila ito.” Walang magawang inisip ni Darryl.
Hindi niya inakalang magkakaroon ng mahigpit na pagmomonitor ang lahi ng mga fiend sa mga papel at panulat sa kanilang kampo.
Nakita ni Oliver ang pagbabago sa mukha ni Darryl bago sabihing, “Ano na ang gagawin mo ngayon? Ikaw lang ang nagiisang gumagamit ng papel at panulat dito. At mahahalata namang gumamit ka ng ilang mga papel. Ano ang sinulat mo sa mga papel na ito? At kanino mo ipinasa ang mga ito?”
Bumagsak naman ang mukha ni Darr