“Napakasweet naman ng mga sinabi mo.” Naging maganda ang mood ni Karen sa mga sandaling ito habang sumesenyas na sinasalubong ang dalawa. “Nasa loob ng main hall si master para hintayin kayong lahat, maaari na kayong pumasok.”
Tumango si Fang Mao bago pangunahan si Sara na pumasok sa main hall!
Kasalukuyan nang marami ang mga taong nasa loob ng hall.
Agad na natigilan ang magmaster noong makapasok sila sa hall matapos nilang makakita ng ilang mga pamilyar na mukha sa loob nito, kasalukuyang punong puno ng mga tao ang main hall.
Maraming iba’t ibang sekta mula sa iba’t ibang kontinente ang tumanggap sa imbitasyon ni Zhang Jue. Kahit na hindi nagawang manguna ng mga ito, itinuturing pa ring impressive at engrande ang mga sektang iyon.
Hindi naman nagpakita ng kahit na anong emosyon si Fang Mao sa kaniyang mukha, pinangunahan niya si Sara sa paghahanap ng kanilang mauupuan bago tuluyang irelax ang kaniyang sarili.
Nakarating na ang karamihan sa mga bisita na nagudyok sa nalalapit na