“Nakatanggap pa rin ako ng suwerte sa gitna ng mga hindi magagandang pangyayari sa aking buhay—nagawa ko ngayong magkaroon ng isang mabait na master. Tuluyan nang nawala ang internal energy nina Dax at Yvette, kumusta na kaya sila ngayon?”
Ngumiti naman si Fang Mao at sumagot ng, “narinig ko na iniligtas daw ng Honorable Pianist si Dax at ang kaniyang mga kasama. Habang inimbitahan naman ni Zhang Jue nang patago ang ilang mga Sect Master ng iba’t ibang mga sekta, hindi ko sigurado kung para saan ang bagay na iyon.”
“Isa siyang masamang tao kaya siguradong hindi maganda ang dahilan kung bakit niya nagawang imbitahan ang mga iyon.” Agad na nagsara ang mga kamao ni Sara habang galit na nagsasalita kay Fang Mao.
Nagisip naman si Fang Mao bago sabihing, “Nakita ko sa South Cloud World ang Sect Master ng Sky Mountain Sect noong pabalik ako. Siguradong tinanggap nito ang imbitasyong ipinadala ni Zhang Jue. Kumain na muna tayo bago magisip ng paraan para mahuli siya. Maaari tayong magpangga