Ano? Gusto niyang gamitin ang mga ito para tapusin si Darryl?
Agad na natigilan ang lahat sa mga sandalign ito.
Si Darryl ay isang kilalang tao sa Nine Mainlands. Mayroon itong napakalakas na kapangyarihan kung ikukumpara sa kanila. Tatlong taon na ang nakalilipas mula noong pangunahan nitoa ng Nine Mainland na talunin ang tribo ng Raksasa, hindi na maikukumpara pa ng kahit na sino ang naging kontribusyon ni Darryl sa sangkatauhan.
Nagugulat na napatingin ang mga tao sa hall sa isa’t isa, hindi magawang makapagbanggit ng mga ito ng kahit isang salita sa kanilang mga bibig!
Napakunot naman ang noo ni Sara habang lumulubog ang kaniyang puso.
“Sinasabi ko na nga bang may hindi magandang pinaplano si Zhang Jue. Ipinakita na niya ngayon sa lahat ang pagiging demonyo niya. Gusto niyang kunin ang suporta ng ganito karaming mga sekta para labanan ang kaniyang kuya?”
Inasahan na ni Zhang Jue ang pagkagulat ng mga ito, pero agad pa rin itong ngumiti habang sinasabi na, “Alam ko ang mga ina