Special Chapter
(A sneak peek for Vitoria Alexi Almeradez’s story of Second Generation)
Gigil na nagtipa si Tori ng reply sa text ng pinsan niyang si Vioxx. Siya na naman kasi ang sumalo sa mga nag-aalburutong iniwan nitong babae sa siyudad. Sa kanya hinahanap ang Kuya Vioxx niya at pinagbibintangan pa siyang itinatago niya ang lalaki.
May isa pa ngang nakasabunutan niya dahil siya raw ang dahilan kung bakit iniwan ito ni Vioxx. Sinabunutan niya rin at dahil mainit talag