Epilogue (Part 2)
“Chine-check na po namin ang mga CCTV, Ma’am. Pero hindi naman talaga sila lumabas ulit simula nang pumasok silang dalawa sa cafeteria.
“What? Paanong nawawala ang anak ko? Tiningnan niyo na ba ang buong cafeteria? Baka sumuot lang ang dalawang iyon kung saan.”
Naiiyak niyang pagtataas ng boses sa kausap. Inabot ni Alejandro ang kanyang kamay. Kalmado lang ang bukas ng mukha nito subalit alam niyang nag-aalala na rin ito. Madiin ang hawak n