CHAPTER 69
Nadagdagan na naman ang mga pilat ni Riguel sa katawan. Pinapanood niya itong makipagharutan kay Amber sa dalampasigan. Dahil hindi naman siya nito pinayagang lumangoy, nanatili na lang siya sa lounge chair.
“Mommy, help me. Daddy monster will eat my leg,” nagtitili ang bubuwit nang akmang kakagatin nga ng asawa niya ang binti. Itinaas pa si Amber sa ere na parang papaliparin.
Tinawanan niya lang ang dalawa lalo pa’t sinabunutan ni Amber ang ama ka