CHAPTER 68
Napagod rin sa kakaiyak si Amber kaya nakatulog na ito sa dibd ib ng ama. Kinarga ito ni Riguel para ilipat sa sariling kwarto.
Pinantayan ni Riguel ang kanyang mga hakbang nang sumunod siya paakyat ng hagdan.
Napagkasya niya ang sarili sa may pinto habang pinapanood si Riguel na ingat na ingat na inilapag ang anak nila sa kama nito.
Nag-iyakan silang kanina sa living room. Dalawang baby na tuloy ni Riguel ang pinapatahan nito kanina.