Chapter 51
Napatingin siya kay Igor nang umupo ito sa harap niya. Ang mga mata nito ay nasa telibisyon din.
“You know them?”
Atubiling umiling siya. “Napapanood ko lang sa TV.”
“Hindi ka ganon tumingin. You seem curious with Torillo. May atraso ba siya sa iyo?” Sumeryoso ang mukha nito na para bang isang sabi niya lang na may ginawang masama sa kanya ang lalaking iyon ay hindi ito magdadalawang isip na iganti siya.
“Iyong babae kasi na