Chapter 50
“Huwag mong kalimutan na magpasalamat kay Kuya Igor, ha,” ani SK nang mabanggit ang tungkol kay Igor na siyang nagbigay sa kanya ng pangontra sa lason.
D-mn that deadly bullet. It almost took his life. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Marami pa siyang gustong gawin kasama ang asawa niya. Ni hindi pa nga naipapanganak ang panganay nila, babawiin na agad ang buhay niya?
“Kasalanan niya kung bakit ako nabaril.” Gusto niyang umingos kaya lang baka pi