Chapter 25
“You disgusting bitch. You don’t have any rights to be on this property. You are not a Brenneman. I,” itinuro nito ang sarili, “am the rightful owner of everything my sister left. Not you. Not that bastard Vito and not your good-for-nothing father.”
Nagulat pa rin siya sa tinuran ng Aunt Serna niya tungkol kay Keith kahit pa may ideya na siya tungkol doon.
“Madam, that’s enough,” pigil ni Richard nang muli na naman sana siyang sasampalin ni Serna.
“Go away, Fool. Don’t meddle with this. That bitch should know where to stand. You are nothing like your r apist father.”
Nanlalaki ang mga matang napaangat siya ng tingin sa kapatid ng kinikilalang ina.
“My brother is not a criminal!” galit niyang sigaw, hindi ininda ang pamamanhid ng kanyang pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal nito.
Malakas at tonong sarkastiko ang tawa ni Serna, sinabayan iyon ng pinsan niyang parang senyoritang nak