Chapter 24 (Part 2)
PENNSYLVANIA, USA
Napayakap si Sunshine Kisses sa sarili nang tuluyang makalabas siya sa Philadelphia International Airport na siyang pinakamalaking paliparan sa Pensylvannia. Inaasahan niya na rin naman ang lamig na sasalubong sa kanya ngunit nagulat pa rin ang kanyang katawan. Nasanay na kasi ang sistema niya sa temperature ng Pilipinas.
“Ready?” tanong ni Brent na kahit hindi maayos ang kalagayan ng mukha ay may maliit pa rin na ngiti sa labi.