Nnalaki ang mga mata nina Sabrina at Aino sa sobrang gulat.
“Zayn?” Tanong ni Sabrina, na hindi makapaniwala. Hindi niya alam ang nangyayari at wala siyang ideya sa iniisip ni Zayn.
Maging si Aino ay ilang segundo rin bago nahimasmasan, pero bandang huli ay abot-tenga ang kanyang ngiti na nagtanong, “Uncle Zayn, totoo ba ‘to?”
“Mhm! Oo naman! Tatawagin mo na siyang Auntie Hana mula ngayon dahil kasal na kami.”
“Uncle Zayn… wag mong sabihin sa akin na pinakasalan mo su Auntie Hana para sa