"Mm-hmm."
“Kaya niya kaya akong mahalin?”
“Hana…” Bulong ni Zayn. Nang sandaling yun para bang bigla nilang nakalimutan na kaninang umaga lang ay pinag uusapan pa nila kung paano tatanggapin ni Hana ang pagiging baog ni Zayn, pero ngayon ay tuluyan na nga silang nadala ng bugso ng kanilang mga damdamin. Lalong lalo na si Zayn, ngayon niya lang yun naramdaman para sa isang babae. Itinaas niya ang kanyang kamay para ilock ang fitting room. Nakatitig lang siya kay Hana at habang mas tumatagal ay