Si Marcus, na may dalang paso, ay biglang natigilan. “Hmm Sabrina, bakit bigla mo yang natanong? May… may nalaman ka ba?”
Inasahan na ni Sabrina ang naging sagot ni Marcus pero nalungkot pa rin siya noong narinig niya talaga ito. “Wala naman. Napansin ko lang na napapadalas ang pagbisita mo sa Mommy ko, kaya naisip ko na baka wala ka ng ibang kamag anak. Haha.”
Tumawa ng malakas si Sabrina.
Dahil dun, biglang nakahinga ng maluwag si Marcus. “Haay, sa tuwing iniisip ko yung iba kong mga kam