“Malinaw ang intensyon ni Holden. Ayaw niyang magpahanap, kaya sa oras na pilitin mo siyang lumabas, hindi siya magdadalawang isip na magpakamatay. Ilang milyong dolyar ang ginastos niya para lang mabili yung bombang suot niya, at alam naman natin kung gaano kakilala ang Keicrekreth pagdating sa mga ganung teknolohiya, diba?”
Huminga ng malalim si Sabrina. “Ano ba talagang gusto niyang mangyari?”
Malayong malayo ang Holden na nakikita niya ngayon sa nakilala niya noon… Ang Holden na nakilala