Halos hindi makatingin si Old Master Shaw kay Gloria, na may dalang ravioli, “Gloria, Gloria…”
Hindi makapag salita si Gloria.
Noong oras na yun, galit ang naramdaman niya na para bang gusto niyang ibato sa mukha ni Old Master Shaw ang hawak niyang ravioli.
Pero pinigilan niya ang sarili niya, “Paano ka nakapasok dito?”
Pinunasan ni Old Master Shaw ang pawis sa noo niya at sumagot, “Ka..kanina pa ako sa labas…Naririnig ko kayong nagtatawanan kaya bandang huli, hindi ko na napigilan ang sa