Kabanata 1209
Hindi makapaniwala si Sabrina.

‘Talaga?! Lahat nalang pinagseselosan niya?’

‘HA!!!’

Sa dami ng mga pinagdaanan nila, natatawa nalang si Sabrina kay Sebastian.

Malayong malayo sa mood niya kanina, sobrang laki ng ginaan ng pakiramdam niya.

Maswerte siya na hindi si Alex ang nakatuluyan niya dahil sigurado siya na kung sakanya mangyayari yung nangyari kay Jane, hindi naman siguro siya iiwanan ni Sebastian ng basta-basta.

“Sebastian,” Biglang sabi ni Sabrina.

“Hmm?”

“Mahal kita!” Natatawang sabi ni Sabrina.

Nagulat si Sebastian.

Bigla tuloy naalala ni Sebastian noong mga panahong sobrang depressed siya dahil namatay ang Mommy niya, hindi siya iniwanan ni Sabrina.

Hindi alam ni Sebastian kung paano siya sasagot, “Pumasok ka na nga at tapusin mo na yung ravioli mo! Malilipasan na tayo ng gutom!”

Pagkatapos magsalita, biglang tumalikod si Sebastian at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

Nagulat si Sabrina.

Tama ba yung nakita niya? Na nagbublush ang asawa niya?!
Continue lendo este livro gratuitamente
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Explore e leia boas novelas gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de boas novelas no aplicativo BueNovela. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no aplicativo
Digitalize o código para ler no App