Sa sobrang emosyunal ni Gloria, pati si Sabrina na kasama niya ay naiyak din.
Niyakap niya ang Mommy niya, “Mommy, taha na. Alam ko na sa buong buhay ni lola, ikaw lang ang inisip niya at wala siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ka kaya kailangan mong maging masaya para sakanya, Mommy…”
Ngayon lang nakita ni Sabrina na naging ganun kaemosyunal ang Mommy niya dahil palagi niya itong nakikitang nakangiti.
Sigurado siya na namana yun ng Mommy niya sa yumao niyang lola. Hindi man siya nab