Parehong lumingon sina Marcus at Old Master Shaw.
Nakita nila si Gloria na may tungkod at nakasuot ng itim na raincoat. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Old Master Shaw.
“Anak…” Umiiyak na tawag ni Old Master Shaw.
“Hindi ka ba nakakaintindi? Ang bait bait ko sayo kahapon. Paulit-ulit nalang kitang pinagpapasensyahan. Sa lahat ng ginawa mo sa amin ng nanay ko, kulang pa yang buhay mo bilang kabayaran. Pero dahil dugo mo pa rin ang dumadaloy sa akin, hindi kita pwedeng pat