Tumayo si Sabrina at inalalayan si Gloria, “Sige, Mommy.”
Huminga ng malalim si Gloria bago niya tignan sina Lincoln, Jade at Selene na pare-parehong nakasalampak sa sahig, bago siya tumingin kay Sebastian.
Agad naman itong sumagot, “Ano yun, Gloria?”
“Hindi lang ako pinakulong ng asawa ko, pati anak ko ay friname up at ginamit niya. Sobrang dami niyang kademonyohan na ginawa at alam yan lahat ng asawa niya. Yang Selene na yan, siya ang totoong murderer sa insidente nine years ago. Kaya nga d