“Ayaw mong mamatay, pero gusto mong patayin ang anak ko?” Galit na tanong ni Gloria.
“A… ka…kapag… hindi siya namatay… mabubuking ako.” Sa sobrang takot ni Selene, siya na mismo ang nag laglag sa sarili niya.
“Ha! Haha!” Tinawanan ni Gloria ng malakas si Selene bago siya tumingin kay old Master Shaw. “Nakikita mo ba ‘to, Mr. Shaw? Yan ang magaling mong apo na ikaw mismo ang pumili. Anim na taon mong pinagtabuyan ang anak ko. Ginawa niya ang lahat para tanggapin mo siya pero anong ginawa mo?