Sa Sterling Group, abot-tenga ang ngiti ni Ben habang nakaupo sa upuan ni Elliot.
“Aba! Hindi ko alam na mabilis ka palang kumilos!” Alam ni Ben na good mood si Elliot at hindi ito magagalit sakanya kahit gaano kalakas niya itong asarin. “Dalawang araw lang akong nawala, pero nabingwit mo na kaagad si Avery, at ikakasal na kayo ulit?! Kung hindi pa ako tinawagan ni Chad, kailan ko pa ‘to malalaman ha?!”
Naglakad si Elliot papunta sa lamesa niya, at nagtanong, “Close ba ang mga Tierney at Gol