“Sabi mo, gusto mong pag usapan natin ang magiging buhay natin, may special request ka ba?” Tanong ni Avery habang umuupo sa dining table.
Umiling si Elliot. “Nagaalala lang ako na baka hindi maging komportable si Hayden kapag lumipat ako dito.”
“Hmm… Hindi rin ako pwedeng lumipat sayo! Lalong hindi papayag ang mga bata na sumama sa akin at hindi ko rin naman kayang mahiwalay sakanila.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Avery. “Wag mo sanang masamain, pero kung papapiliin ako sayo at sa