“Bakit ka natow?” Kumunot ang noo ni Elliot. “Anong nangyari? Bakit hindi mo ako tinawagan?”
“Maliit na bagay lang.” Kinuha ni Avery ang baso ng tubig at uminom. “Nakasalubong ko kasi yung kapatid ng isa sa mga pasyente ko sa Bridgedale. Sobrang naintriga lang ako sa pamilya nila kasi kakaiba talaga sila. Ayaw nilang ipakontak sa akin yung pasyente ko kaya noong nakita ko yung kuya niya, hinabol ko siya para tanungin kung anong nangyari.”
Nagulat si Elliot sa kwinento ni Avery, “Edi wag mo n