Pagbukas ni Avery ng pintuan, sobrang natunaw ang puso niya sa tumambad sakanya.
Buhat-buhat ni Elliot si Robert, habang si Layla naman ay hawak ang bago nitong laruan at kinausap ang kapatid nito.
Nandoon din si Mrs. Cooper sa isang gilid na masayang pinapanuod ang mag aama niya.
Gusto sanang lumapit ni Avery pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Sobrang ganda at masasabi niya na pagdating sa mga anak niya, ibang-iba ang saya ni Elliot at kahit sino sigurong makakita rito, hindi