Avery, anong ginagawa mo?”
Alam ni Avery na kagigising lang ni Elliot base sa tono ng boses nito.
“May kailangan lang akong asikasuhin sa Bridgedale.” Sagot ni Avery habang naglalakad papasok ng boarding. “Maaga pa ah, sinong nagbalita sayo na aalis ako?”
Hindi sinagot ni Elliot ang tanong ni Avery. “Malapit na ang birthday ng mga bata. Bakit biglaan naman ata ang pagpunta mo sa Bridgedale?”
Kung kagaya ng nakasanayan, maiinis si Avery sa pagtatanong ni Elliot, pero ayaw niyang makipag a