Pinag isipan pa ni Mrs. Cooper ang isasagot niya. “Matagal na rin. Noong pumasok ako sakanila, wala pa akong thirties. Forty-five na ako ngayon at limang taon nalang, magreretire na ako.”
“Ah.. mas matagal sayo si Mrs. Scarlet?”
“Oo naman! Ang kwento niya sa akin, si Madam Rosalie daw muna ang inalagaan niya, tapos noong pinanganak na sina Elliot at Shea, siya na rin ang nagpalaki sakanila.”
“May kwinento sa akin si Elliot na nangyari noong bata pa siya.” Ilang araw ng iniisip ni Avery ang