Sobrang nasaktan si Avery sa narinig niya.
Hindi sila para sa isa’t-isa?
Talaga bang sinabi yun ni Elliot o si Ben lang ang nagsabi nun?
Nakapag desisyon na si Elliot na makipag hiwalay sakanya at yun nga siguro ang dahilan… na nakikita nitong hindi talaga sila para sa isa’t-isa.
“Avery, bakit nakatulala ka jan? May nasabi nanaman ba akong mali?” Medyo kinabahan si Mike sa naging reaksyon ni Avery. “Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo pa si Chad! Nandoon din siya noong sinabi yun ni Ben.