“Sinabi niya sayo? Bakit hindi niya sinabi sa akin?” Naguguluhang tanong ni Avery.
Kinuha ni Elliot ang tasa niya ng gatas at humigop. “Kasi tinanong niya sa akin kung ano ang address ng mga magulang ni Chad.”
“Ha? Ano namang kailangan niya sa mga magulang ni Chad?” Masama ang kutob ni Avery. “Bibisita lang ba siya o…”
“Kung ano yung iniisip mo. Plano niya atang sabihin sa mga magulang ni Chad kung anong mayroon sakanila.”
Halos hindi maipinta ang mukha ni Avery sa sobrang pagka gulat.
“Ku