Napalunok si Elliot at medyo natataranta siyang sumagot, “Umiiyak kasi siya kanina kaya binigyan ko siya ng gatas pero sinuka niya naman. May nagawa ba akong mali?”
Naintindihan ni Avery at naglakad siya papunta kay Elliot. Tinignan niya si Robert at may bakas pa ng gatas sa bibig nito.
“Lungad. Kapag lumaki na siya, magiging okay din siya.”
“Pero hindi naman siya sumuka noong ikaw yung nagpainom ng gatas sakanya kanina.” Kinakabahan si Elliot na baka may nagawa siyang mali.
Natataranta s