Oo, wala naman talaga silang pag aawayan, pero dati naman kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan pa rin nila at kayang-kaya nilang magbangayan ng tatlong magkakasunod na araw.
Kaya sobrang nakahinga siya ng maluwag noong nakita niya si Elliot. Sigurado siya na hindi ito pumunta doon para makipag away sakanya. Siguro dahil may mga anak na rin sila kaya hindi sila pwedeng maging makasarili at unahin ang init ng mga ulo nila.
Sa maliit na kwarto, naligo lang ng mabilisan si Elliot at naglakad