Pero base sa sitwasyon ni Charlie ngayon, mukhang hindi na nito kayang magsalita o mag utos na kunin ang kahon.
“Mr. Foster, nasa kabilang kwarto daw si Chelsea, gusto mo rin ba siyang bisitahin?” Tanong ng bodyguard ni Elliot. “Nabalitaan ko na nasira daw ang mukha niya. Alam ko kung gaano kaingat si Chelsea sa kutis niya kaya sigurado ako na sobrang lungkot niya ngayon!”
Sinabi lang naman yun ng bodyguard dahil alam niya na galit si Elliot kay Chelsea.
Wala sanang planong bisitahin ni Elli