Ang sabi niya sa akin, may hawak daw siya na laban sayo, pero ilalabas niya lang yun sa tamang oras. Kung ano ang ibig niyang sabihin doon, yun ang hindi ko sigurado. Matalino si Charlie at alam kong hindi siya nagtitiwala sa akin kaya ayaw niyang magbigay masyado ng impormasyon. Tumawag lang ako para sabihin sayo na bigyan mo pa ako ng kaunting oras at sisiguraduhin ko na maibabalik ko sayo yung kahon na hinahanap mo.”
“Kung alam mo naman pala na ang laman ng kahon na yun ay laban sa akin, bak