Nakinig si Cole na para bang nobela lang ang kinuwento ng daddy niya. “Pero totoo bang may problema sa isip si uncle?”
Nagbuntong hininga si Henry. “Iba’t ibang klase naman kasi ang mga problema sa pag iisip. Kahit na nagkasakit noon ang uncle mo, ang pagkakaalam ko ay hindi na yun bumalik kasi paano naman siya magiging ganito kasuccessful kung may sakit siya, diba?”
“Oo, magaling siya sa negosyo niya pero hindi naman ibig sabihin nun na successful siya! Bakit nakipag divorce sakanya si Avery?