Nakatitig lang si Avery kay Chad habang hinihintay ang sagot nito.
“May problema ata siya sa tiyan. Kapag sobrang busy niya, nakakalimutan niyang kumain. May nakita akong gamot sa drawer niya sa office at sa sasakyan niya. Bukod dun, sa tingin ko ay mayroon siyang mild depression. Kay Ben ko narinig yun. Pero hindi ko kasi maramdaman yun kapag magkausap kami.”
“Ako nararamdaman ko kasi paiba-iba siya ng mood, kaya nga takot na takot sakanya yung ibang tao.”
“Hmm… Nasanay na siguro ako sa uga